TV

Happy ToGetHer: Julian meets Banjo

By Aedrianne Acar

Maaksyon at puno ng kilig ang Sunday episode ng Happy ToGetHer, dahil mapapanood natin muli ang sweet moments nina Julian (John Lloyd Cruz) at showbiz star Anna (Julie Anne San Jose).

This coming July 3, makikilala na ng daddy heartthrob na si Julian ang ka-love team ni Anna na si Banjo (Jak Roberto).

Makaamoy kaya si Banjo na may namamagitan kina Julian at Anna?

At makalusot kaya kay Mama OJ ang plano ni Anna na i-encourage si Julian na tulungan si Banjo on set sa motorcycle scene nito sa kanilang latest project?

It's a star-studded Sunday primetime with our special guests Asia's Limitless star Julie Anne San Jose, Bolera actor Jak Roberto, and vlogger Mama Loi.

Piliin tumambay sa bahay at manood ng Happy ToGetHer, ngayong July 3, before Kapuso Mo, Jessica Soho.

Alamin kung sinu-sino ang co-stars ni John Lloyd Cruz sa hit Kapuso sitcom sa gallery na ito!