TV

'The Wolf,' malapit nang ipalabas sa GMA!

By Ron Lim

Isang kuwento ng paghahanap sa hustisya ang naghihintay sa mga Kapuso sa mga susunod na linggo sa nalalapit na pag-ere ng The Wolf, ang bagong Chinese drama na ipalalabas sa GMA.

Pinagbibidahan ito ni Darren Wang, Li Qin, Sean Xiao Zhan at Xin Zhi Lei. Istorya ito ng mga pagsubok na kinakaharap ni Prince Bo, na naghahangad ng hustisya at nagsisikap ipagtanggol ang kanyang bayan mula sa taong nagbigay sa kanya ng panibagong buhay.

Kasama sa kanyang kuwento si Ma Zhai Xing, isang matapang na anak ng heneral na makakaharap si Prince Bo pagkatapos ng pagpaslang ng kanyang pamilya.

Sa muling pagkikita nina Prince Bo at Ma Zhai Xing, maghihilom kaya ang mga sugat ng nakaraan?

Abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA simula October 10, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.