TV

Julie Anne San Jose at David Licauco, posible nga bang magkatuluyan in real life?

By Aaron Brennt Eusebio

Nasa kanya na lang 'yan kung o-oo siya o hindi.”

Ito ang sagot ni Kapuso Chinito Heartthrob David Licauco nang tanungin ni Aubrey Carampel kung may posibilidad na mauwi sa totoohanan ang relasyon nila ng co-star niya sa Heartful Café na si Asia's Pop Diva Julie Anne San Jose.

Sagot naman ni Julie, “Ako naman, never naman ako naging sarado. I mean I'm open to any possibility naman.”

Dagdag niya, “And, yes. If there's a chance to get to know him more, I mean, why not?”

“Let's see.”

Trending ang pilot week ng Heartful Café noong nakaraang linggo dahil kinikilig ang mga manonood nito sa tambalan nina Julie at David.

Sa katunayan, inamin ni David na pati siya ay kinikilig nang pinapanood niya ito.

“The whole time, I was smiling while watching the show so talagang, I don't know, talagang natatawa lang ako,” pag-amin ni David.

“As in parang nakakakilig tapos parang ang ganda rin talaga ng whole concept, e.”

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Sa katunayan, hindi lang on-cam sila Julie Anne at David dahil pati off-cam ay sweet pa rin sila sa isa't isa. Tingnan DITO:

Mapapanood ang Heartful Café mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.

Mapapanood rin ang full catch-up episodes ng Heartful Café at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at sa GMA Network app.

Sa mga Kapuso abroad, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa detalye.