TV

Barbie kontrabida? Barbie Forteza, kinaiinisan ng mga manonood ng 'Heartful Café'

By Aaron Brennt Eusebio

Samut-sari ang reaksyon ng mga manonood ng Heartful Café sa pagiging guest star ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Ang karakter kasi ni Barbie na si Cors ang balakid sa mga nararamdaman nina Heart (Julie Anne San Jose) at ng kanyang boyfriend na si Ace (David Licauco) para sa isa't isa.

Naging LDR kasi sina Cors at Ace pero nag-cheat si Cors sa katrabaho niyang Filipino sa Malaysia.

Sa Twitter, marami ang pumuri sa naging pag-arte ni Barbie sa kanyang kauna-unahang pagganap bilang kontrabida.

Sulat ng isang netizen, walang sinasabi si Barbie pero kinaiinisan niya pa rin ito dahil sa expression ng kanyang mukha.

Mamayang gabi na ang huling beses na mapapanood si Barbie bilang kontrabida sa Heartful Café, pagkatapos ng First Yaya.