TV

Mga nanonood ng 'Heartful Café,' mas gusto si Ace para kay Heart!

By Aaron Brennt Eusebio

Marami sa mga nanonood ng Heartful Café ang mas gusto na si Ace (David Licauco) ang makatuluyan ni Heart (Julie Anne San Jose).

Sa episode kagabi, nagpaalam na si Ace kay Heart dahil nakipagsundo siya sa kanyang tatay na si Jeremiah (DJ Durano). Si Jeremiah na ang bumili ng lupang kinakatayuan ng Heartful Café sa kondisyong aalis si Ace dito upang mag-focus sa family business nila.

Kahit na nagpaalam na si Ace kay Heart at ibinilin na niya ito kay Uno (Edgar Allan Guzman), ang unang boyfriend ni Heart, halos lahat ng bumuto ay gusto na sina Ace at Heart ang magkatuluyan.

Si Ace nga ba ang makakatuluyan ni Heart?

Panoorin ang finale episode ng Heartful Café mamayang 9:35 pm sa GMA Telebabad.

Samantala, balikan ang mga nakakakilig na eksena nina Julie Anne at David sa likod ng camera DITO: