GMA Logo Xian Lim
What's on TV

Xian Lim, na-enjoy ang proseso ng pagbuo sa unang sports drama series na 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published April 12, 2023 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim


Ngayong Miyerkules, mapapanood nang maglaro ng ice hockey si Xian Lim sa 'Hearts On Ice.'

Isang malaking karangalan para sa multitalented actor na si Xian Lim ang mapasama sa cast ng Hearts On Ice.

Hindi man naging madali ang paghahanda para sa kanyang role sa serye kung saan nag-aral din siyang mag-skate, ani ni Xian, ginusto niya ang "challenge" na ito ng kanyang karakter.

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Kuwento rin ng aktor sa GMANetwork.com, na-enjoy niya ang proseso ng pagbuo sa kanyang unang sports drama series.

"First impression sa story, nasa isip ko talaga magiging mahirap ito i-shoot because sports. But sa proseso na ginagawa namin ito it's fun," pagbabahagi ni Xian.

"Para lang kaming naglalaro sa taping which is really good kasi 'di ba parang gusto lang naman natin smooth flowing at masaya lang palagi ang lahat," dagdag niya.

Samantala, ngayong Miyerkules, mapapanood nang maglaro ng ice hockey si Xian sa Hearts On Ice.

Patuloy na subaybayan si Xian bilang Enzo sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: