
Bago pa man pumasok noon sa showbiz, una nang minahal ng Hearts On Ice actress na si Ina Feleo ang figure skating. Sa katunayan, sa edad na 16, siya ang first national champion ng bansa sa mga babae sa sport na ito.
Siyam na taon lamang noon si Ina nang magsimula sa figure skating. Kuwento niya sa GMANetwork.com, nadiskubre niya ang sport nang pumunta ang pinsan niya galing Cebu sa Maynila para lumaban sa isang local competition ng sport ito.
Nang sumama sa pinsan niya para mag-practice ng figure skating, tinanong siya ng ina nito kung gusto rin ba niyang subukang mag-skate, na agad niyang sinang-ayunan.
"Walang teacher, walang anything, pasok ako [sa ice rink]. From the moment I stepped, syempre tumba, lakad, ikot lang ako ng ikot. Two hours hindi ko namalayan 'yung oras, kumbaga love at first skate siya," kuwento ng aktres.
Nagretiro si Ina sa figure skating sa edad na 16 at nagpokus na siya sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Payo ni Ina sa mga kabataang nais na subukan ang figure skating at maging isang figure skater, "Ang importante, gaya nung sinasabi ni Tatay Ruben at gaya ng sinasabi ng tatay ko palagi sa akin, 'Puso talaga. Puso-puso lang 'yan.' Kasi you know if you have the heart, if it's your passion then you will do everything to achieve your goals.
"At saka 'yung importante sa lahat, bukod sa passion, kailangan maging mabuting tao ka. Parang it goes hand and hand. Look at [two-time Winter Olympian] Michael Martinez, narating niya iyon but it's because also he did a lot of hardwork and stayed, kumbaga, grounded pa rin siya.
"It is not easy pero talagang masarap na masarap siyang sport because it is so rewarding, it teaches you discipline, maire-recommend ko siya lalo na sa mga magulang. Kung gusto ng anak ninyo, it's a good training ground for life.
"It teaches you talaga to be strong, to work hard, to have discipline. Hindi ka madaling maaapektuhan ng trials kasi marami kang dadaanang ganu'n doon sa sport pa lang. It teaches you grace both on ice and off ice," sabi ni Ina.
Samantala, napapanood si Ina bilang Coach Wendy sa Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice.
Abangan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: