TV

Ashley Ortega pens sweet messages for Amy Austria and Lito Pimentel on 'Hearts On Ice' last taping day

By Aimee Anoc

Sa pagtatapos ng taping ng Hearts On Ice, hindi nakalimutang pasalamatan ni Ashley Ortega ang nagsisilbi niyang nanay at tatay sa show na sina Amy Austria at Lito Pimentel.

Sa Instagram, isang sweet na mensahe ang ibinahagi ni Ashley para sa kanyang Nanay Libay at Tatay Ruben. Isang karangalan para sa aktres na kapwa makatrabaho ang beteranong mga aktor.


"To my Tita Amy, who became a mother to me on-cam and off-cam, isang karangalan po na makatrabaho ang isang napakagaling at respetadong actor na katulad niyo po," sulat ni Ashley.

Dagdag niya, "I am so grateful to have you in my life, tita. Thank you for your guidance, love, advices, and all the ulam you gave me (lagi po siyang nagdadala ng lutong bahay na ulam for me sa taping). I love you po Tita Amy and I will miss you so much."

Ikinuwento naman ni Ashley ang karanasan na makatrabaho ang seasoned actor. Sabi niya, "To my Tito Lito, thank you po for helping me to become a better actor. Napakadali niyo pong katrabaho. All my scenes with Tatay Ruben are my favorite! Everytime po na kaeksena ko po kayo nadadala po ako agad dahil napakahusay niyo po. I love you po Tito Lito. I'll miss you."

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ni Ashley sa iisang serye sina Amy at Lito.

Patuloy na subaybayan ang kanilang pamilya sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: