
Matapos na makakuha ng 9.5 percent na ratings para sa episode 53 nito noong Biyernes (May 26), muling humataw sa ratings ang Hearts On Ice noong Lunes (May 29) kung saan nakakuha ito ng 9.8 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Sa episode 54 ng Hearts On Ice, napanood ang madamdaming eksena ni Enzo (Xian Lim) na nagdadalamhati sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama.
Umani ng papuri mula sa manonood ang mabibigat na eksena na ito ni Xian kung saan ramdam na ramdam ang emosyong ibinuhos niya rito.
Ang galing galing mo Xi, you nailed it. Tagos sa puso ang scenes na ito 😭😭😭 ramdam namin ang sakit na nararamdaman ni Enzo 😭😭😭 @XianLimm truly deserve an acting award for his portrayal in Hearts on Ice 🙌🙌🙌https://t.co/4ON7QvL4NE
-- joannearataquio (@joarataquio) May 26, 2023
EP54 #HOITheConfession@XianLimm's superb performance in Enzo's heavy scenes and clash with Vivian is award-worthy 💯👏👏👏
-- Real over reel (@jackiecuddles) May 29, 2023
Seeing Enzo the broken and angry son, not Xian the actor. #soproud ❤🤗👍@GMADrama @VivaArtists_ pic.twitter.com/q6HgJGdgD5
Grabe talga yung pambungad na eksena ni Xian Lim sa epi ngayon! Ang sakit sa dibdib!#HOITheConfession
-- KimLim👫XiChiu@TheFinishLine (@LettemeLove) May 29, 2023
Enzo 💔
Ang husay ni Xian sa eksena!
-- Eunbe (@e_eunbe) May 29, 2023
For me, rare sa isang artist na magaling bumitaw ng linya!
Some look the part but they dont sound the part!#HOITheConfession
Superb Acting Xian Lim! @XianLimm #HOITheConfession
-- Ernel_📸💋🇵🇭🙏🤍🦅🎶🌂🏹💚💙 (@iamernelaseoche) May 29, 2023
Galing mo naman @XianLimm sa iyakan ung parang wala lang pero dami ng luha #HOITheConfession
-- KB Mulawin Maricel (@Kat_Katienatics) May 29, 2023
KapusoBrigade
Bata pa lamang nang mawalay si Enzo sa ama dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Malapit si Enzo sa ama dahil dito niya nakuha ang passion sa musika. Kaya naman, ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ng binata nang mabalitaang wala na ito, dagdag pa ang kawalan ng respeto ng ina sa pumanaw niyang ama.
Dahil sa galit at pagsisisi na hindi man lang niya nakausap at napuntahan ang ama bago ito mamatay, nilunod ni Enzo ang sarili sa alak. Hindi rin siya nagpapigil nang makiusap sa kanya si Ponggay (Ashley Ortega) na huwag magmaneho ng lasing, dahilan ng kanyang pagkakaaksidente.
Nasaksihan din sa nasabing episode ang tagos sa pusong eksena ni Ponggay habang kinakausap si Enzo sa emergency room. Sa takot na mawala ang binata na hindi man lang niya nasasabi ang tunay na nararamdaman, ipinagtapat na ni Ponggay ang pagmamahal kay Enzo.
Panoorin ang full episode 54 ng Hearts On Ice dito:
Patuloy na subaybayan ang huling tatlong linggo ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: