
Patuloy ang matataas na ratings na nakukuha ng Hearts On Ice sa nalalapit na pagtatapos nito.
Matapos na makapagtala ng pinakamataas nitong ratings noong June 8 para sa Episode 62, muling nakakuha ng double-digit ratings ang Hearts On Ice noong Lunes (June 12) para sa Episode 64 nito na umabot ng 10.1 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa panalong ratings, nag-trend din online ang hashtag ng Episode 64 na #HOIFirstKiss kung saan kinakiligan ng Hearts On Ice viewers ang first kiss nina Ponggay (Ashley Ortega) at Enzo (Xian Lim).
EP64 #HOIFirstKiss trends 👏
-- Tropang Kim Uy OFCL Updated (@CuddlesJackie) June 12, 2023
Enzo seals it with a 💋@XianLimm 😊❤@GMADrama @VivaArtists_ pic.twitter.com/OToGbXV4Zt
Hoayyy! Nakangiti, kinikilig, pumapadjak at nanghahampas po. Hahaha! #HOIFirstKiss https://t.co/wDBE4RLqqU
-- ᜆᜓᜈᜒᜆ᜔ ᜇᜒ ᜊᜒᜇ 😀SMILEY of CHARLOTTE🐰 (@tdeveraV2) June 12, 2023
Bagay na bagay kayong dalawa #HOIFirstKiss @ind1obattalion KapusoBrigade
-- KB I N D I O Jamel - TeamCebu (@kbjameldc4) June 12, 2023
Yung kinikilig ka na sa eksena pero natatawa ka sa mga banat ni Ponggay. Hahaha! #HOIFirstKiss
-- ᜆᜓᜈᜒᜆ᜔ ᜇᜒ ᜊᜒᜇ 😀SMILEY of CHARLOTTE🐰 (@tdeveraV2) June 12, 2023
Kakakilig Nmn Kyong Dalawa Enzo At Ponggay ohh#HOIFirstKiss
-- 🅚︎🅑︎ Ⓘ︎Ⓝ︎Ⓓ︎Ⓘ︎Ⓞ︎ 𝑺𝑳 Lᴀᴡʀᴇɴᴄᴇ - Rɪᴢᴀʟ Pʀᴏᴠɪɴᴄᴇ⚔️ (@indiolawrence) June 12, 2023
KapusoBrigade @ind1oBattalion
Congrats team #HeartsOnIce ! Consistent High Rating ang ganda nmn tlga 👏 numerous positive comments esp. in #GMANetwork youtube channel,so many are requesting for extension or season 2 & follow-up project for Xian & Ashley
-- Mary_Ziarra8822 (@MZiarra8822) June 12, 2023
Congrats idol @XianLimm & Ms @ashleyortega @GMADrama https://t.co/BDeAp0lUSv
Sa Episode 64, pumayag na si Libay (Amy Austria) sa coming-out party na gusto ni Gerald (Tonton Gutierrez) para kay Ponggay para maipakilala ang anak sa kanyang mga kaibigan at kakilala.
Masaya namang ibinalita ni Enzo kay Ponggay na hindi tutol sa relasyon nila si Gerald, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao. Dito na rin naganap ang kinakiligang first kiss nina Ponggay at Enzo.
Samantala, nalaman na ni Monique (Roxie Smith) ang katotohanan tungkol sa tunay nitong ama. Sinabi na rin ni Yvanna (Rita Avila) kay Monique ang masakit na nangyari noon sa kanya at kung bakit ganoon na lamang siya ka-competitive ngayon para sa anak.
Panoorin ang full Episode 64 ng Hearts On Ice sa video na ito:
Huwag palampasin ang huling apat na gabi ng Hearts On Ice, 8:50 p.m sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: