
Sa inaabangang grand finale ng first-ever ice skating series na Hearts on Ice mamaya, June 16, sinabi ng mga bida nitong sina Ashley Ortega at Roxie Smith na marami pang aabangan sa huling episode ng serye.
Sa interview nila sa GMA Regional morning show na GMA Regional TV Early Edition, sinabi ni Ashley na dapat abangan ng mga manonood kung ano ang kahihinatnan ng relasyon ni Ponggay (Ashley) at ng mga taong mahal niya sa buhay.
“Tulad nga ng relationship Ni Ponggay at ni Monique (Roxie). Magiging okay ba sila? Magkikita na ba sila ulit ni Enzo (Xian Lim)? Kasi si Enzo, pinursue niya 'yung dream niya sa New York about music. 'Yung relationship ni Yvanna (Rita Avila). Ano'ng mangyayari Kay Yvanna?” sabi ng aktres.
Dagdag pa nito, dapat din daw abangan ang pag sali nina Ponggay at Monique sa Worlds Ice Skating Competition at kung matutupad ba ni Ponggay ang pangarap niyang manalo dito.
Sa serye, naipakita ni Ponggay kung papaano siya naging isang strong woman sa pagharap niya sa kanyang injury habang nangangarap maging isang champion sa figure skating.
Kaya nang tanungin si Ashley kung gaano sila magkapareho ng karakter niya, ang sagot nito, “in the real world, syempre, siguro laging nandiyan 'yung pagpe-persevere mo and 'yung resilience.”
“You know, failing in life is part of life. As long as you know how to get out of it, to push yourself forward, to move forward, 'yun naman ang importante,” dag dag pa nito.
Para naman kay Roxie, sinabi niyang gustong gusto niya ang pag portray sa role niyang si Monique dahil alam niyang “madaming Monique out there, actually, fighting silent battles.”
"May mga mental health problems, lack of love, although I feel like for as long as may strong support system ka around, you're gonna be able to survive,” sabi nito.
BAGO MAPANOOD ANG GRAND FINALE, TINGNAN MUNA RITO ANG ILANG TAGPO MULA SA LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE: