advertisement
TV

Meet the cast of Philippines' first-ever figure skating series 'Hearts On Ice'

1 of 15

Hearts On Ice

Simula ngayong March 13, mapapanood na ang Philippines' first-ever figure skating series na 'Hearts On Ice.' Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata.

2 of 15

Ashley Ortega as Ponggay

Si Ashley Ortega ang napiling gumanap bilang Pauline "Ponggay" Bravo, na kahit na may kapansanan ay susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

3 of 15

Xian Lim as Enzo

Bibigyang-buhay ni Xian Lim ang cold-hearted at may pagkaaroganteng karakter ni Lorenzo "Enzo" Razon. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay. Tutol ang mommy niya sa passion niya sa musika dahil nais nitong mag-focus lamang siya sa kanilang family business.

advertisement
4 of 15

Amy Austria as Libay

Si Amy Austria ang gaganap bilang Liberty "Libay" Bravo, ang raketerang ina ni Ponggay na dating isang magaling na figure skater. Tinalikuran nito ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigang si Yvanna.

5 of 15

Tonton Gutierrez as Gerald

Gaganap si Tonton Gutierrez bilang Gerald Campos, may-ari ng isang construction company at kapatid ni Yvanna. Siya rin ang dating kasintahan ng ina ni Ponggay na si Libay. Sa kasalukuyan, engage siya sa ina ni Enzo na si Vivian.

6 of 15

Rita Avila as Yvanna

Mapapanood si Rita Avila bilang Yvanna Campos, dating figure skater at ina ni Monique. Cold, competitive, at handa niyang gawin ang lahat para maging figure skating champion ang anak. Hangad niyang pabagsakin si Ponggay dahil para sa kanya, ito lamang ang tanging paraan para tuluyang madurog ang dating best friend at ngayon ay karibal ng si Libay.

advertisement
7 of 15

Lito Pimentel as Ruben

Gagampanan ni Lito Pimentel ang partner ni Libay na si Ruben Martinez. Siya ang kinagisnang ama ni Ponggay, na madalas mang nagigipit ay buo ang suporta nito para sa pangarap ng anak na maging isang matagumpay na figure skater.

8 of 15

Cheska Iñigo as Vivian

Makikilala si Cheska Iñigo bilang Vivian Razon, may pagka-controlling at manipulative na ina ni Enzo. Sophisticated at highly successful businesswoman pero sa kabila nito, absentee parent siya sa dalawang anak.

9 of 15

Ina Feleo as Coach Wendy

Mapapanood si Ina Feleo bilang Coach Wendy, isa sa pinakamagaling na figure skating coach sa Pilipinas. Dahil sa isang eskandalo, tatalikuran siya at iiwasan ng skating community. Hanggang sa alukin siya ni Yvanna na maging coach ng anak niyang si Monique, na nagbigay sa kanya ng panibagong pagkakataon na makabalik sa ice rink.

advertisement
10 of 15

Roxie Smith as Monique

Ipinakikilala si Roxie Smith bilang Monique Guidote, isang figure skater na laking Amerika. Sa pag-uwi sa Pilipinas, makikilala niya si Ponggay na kalaunan ay magiging best friend niya. Pero ang hindi alam nina Monique at Ponggay na ang mga nanay nila ay mortal na magkaribal sa loob at labas ng skating rink.

11 of 15

Kim Perez as Bogs

Gaganap si Kim Perez bilang Salvador "Bogs" Adriano, musician at businessman. Isa siya sa best friends ni Enzo at admirer ni Ponggay.

12 of 15

Skye Chua as Sonja

Gaganap si Skye Chua bilang Sonja, isa sa makakalabang figure skater ni Ponggay.

advertisement
13 of 15

Ruiz Gomez as Oliver

Mapapanood si Ruiz Gomez bilang Oliver Ramirez, isa sa matalik na kaibigan at executive staff din ni Enzo.

14 of 15

Antonette Garcia as Janice 

Bibigyang-buhay ni Antonette Garcia ang palabiro at masiyahing karakter ni Janice Salvador. Siya ang secret keeper, loyal, at caring na best friend ni Libay, at ninang ni Ponggay.

15 of 15

Arhia Faye Agas as young Ponggay

Mapapanood si Arhia Faye Agas bilang young Ponggay.

advertisement