TV

Ashley Ortega poses with 'Hearts On Ice' ladies in swimming attire

By Aimee Anoc

May bagong pasilip si Kapuso actress Ashley Ortega sa mga makakasama niya sa inaabangang figure skating series na Hearts On Ice.

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Ashley ang ilang larawang kuha mula sa taping ng Hearts On Ice. Dito, ipinakilala niya ang "swimming team" ng nasabing serye, kabilang sina Roxie Smith, Skye Chua, at Shuvee Etrata.

Makikitang naka-black swimsuit ang lahat na tinawag ni Ashley na ladies.

Sa isa pang post, ipinakilala rin ni Ashley si Arhia Faye Agas, ang batang gaganap sa pinagbibidahan niyang karakter na si Ponggay.

Patuloy sa taping ang cast ng Hearts On Ice, na mapapanood na simula Marso sa GMA Telebabad.

Ang ilan pa sa cast na makakasama ni Ashley sa serye ay sina Xian Lim, Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, at Ruiz Gomez.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: