
Nakatanggap ng papuri si Sparkle actress Roxie Smith mula sa Olympic figure skater na si Michael Martinez.
Patuloy ang ginagawang training ni Roxie sa figure skating bilang paghahanda sa kanyang role sa kauna-unahang ice skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice. Mapapanood ang aktres sa serye bilang si Monique, isang professional figure skater.
Bukod sa lead cast na sina Ashley Ortega at Xian Lim, nakakasama rin ni Roxie sa training si Michael, na isa rin sa dapat na abangan sa serye.
Sa Instagram, muling ipinakita ni Roxie ang naging training nila ni Michael sa ice rink. Kita ang saya ng aktres habang inaalalayan siyang mag-ice skate ng two-time Olympian. Mapapanood din ang ilan sa moves na natutunan ng aktres sa pair skating.
"Getting there! Here's today's session with [Michael Martinez]," sulat ni Roxie.
Komento ni Michael sa post na ito ng aktres, "You did really great today!"
Ang ilan pa sa cast na makakasama ni Roxie sa serye ay sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Skye Chua.
Abangan ang Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: