TV

Lito Pimentel, hanga sa 'professionalism' nina Ashley Ortega at Xian Lim sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc

Kabilang si Lito Pimentel sa mahuhusay na aktor na mapapanood sa inaabangang figure skating series na Hearts On Ice.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Lito sa isang proyekto ang lead stars ng serye na sina Ashley Ortega at Xian Lim.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktor ang paghanga nito sa pagiging "professional" nina Ashley at Xian sa trabaho.

"First time kung silang nakatrabaho and they are professional," sabi ni Lito.

"Magagaling na bata. Nagulat din ako kasi hindi ko pa sila nakakasama sa soap, hindi ko pa sila nakita pero nu'ng makasama ko sila seryoso sa trabaho 'yung mga bata and one thing na maganda sa kanila," dagdag niya.

Noong Enero, una nang ipinasilip ni Ashley ang ilan sa madamdaming eksena nila ni Lito kasama ang batikang aktres na si Amy Austria.

Ano kaya ang magiging kaugnayan ng mga karakter nina Lito at Ashley sa Hearts On Ice?

Abangan si Lito bilang Ruben sa Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: