TV

Hannah Precillas, hinangaan ng netizens sa pag-awit ng 'Hearts On Ice' theme song na 'Tagumpay'

By Aimee Anoc

Muling ipinamalas ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas ang husay sa pag-awit nang kantahin ang theme song ng kauna-unahang figure skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice.

Maraming netizens ang humanga sa "tagos pusong" pagkakaawit ni Hannah sa "Tagumpay," na isinulat ni Simon L. Tan.

Bukod sa theme song, marami rin ang humanga at naantig sa nakaka-inspire at kaabang-abang na kuwento ng Hearts On Ice.

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: