TV

Xian Lim sa pagtanggap sa role sa 'Hearts On Ice': 'I wanted the challenge, something to prove myself'

By Aimee Anoc

Isang karangalan para kay Xian Lim na mapasama at maging lead actor ng inaabangang figure skating series ng GMA na Hearts On Ice.

Ayon kay Xian, tinanggap niya ang role dahil na rin sa gusto niyang ma-challenge. Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating, kinakailangan din ni Xian na matutunan ang sports na ito.

"It's such an honor to be part of the cast dito sa Hearts On Ice. I guessed what the challenges came with the role, it's really learning how to skate. Dahil noong sinabi sa akin nila ito, 'Paano nga ba?' Unang tanong ko, sabi ko, 'Tama po ba 'yung pinasok ko? Sure po ba kayo sa akin n'yo gustong ibigay," kuwento ni Xian.

"I wanted the challenge. I wanted something to prove myself. Ilalaan ko po talaga 'yung oras at hardwork para po rito sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin," dagdag ng aktor.

Bilang paghahanda sa gagampanang role sa Hearts On Ice, ilang buwan na nag-training ang aktor sa ice rink, kung saan nakakasama niya ring mag-train ang leading lady niyang si Ashley Ortega.

"At first, they gave me a couple of sessions sa skating rink. After po nu'n sabi ko since pinasok ko na rin lang I need to enroll to be able to keep up with the skills, of course, nina Ashley and all the skaters that will be part of this series kasi buong buhay talaga nila itong ginagawa, it's their sport.

"Nakakahiya naman kung papasok ako rito nang wala akong alam sa mundo nila. As much as possible, araw-araw makikita nila ako roon [sa ice rink]. But it's really fun, it's very inspiring as well and uplifting, and 'yung skating community napakabait po nila."

Sa Hearts On Ice, makikilala si Xian bilang Enzo, cold-hearted at may pagka-arogante. Mula sa mayamang pamilya na matututong magsakripisyo at magtiwalang muli dahil kay Ponggay (Ashley).

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: