GMA Logo Ina Feleo
What's on TV

Ina Feleo, excited na mas maipakilala ang figure skating sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 8, 2023 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ina Feleo


"I was very excited na finally mabibigyan ng spotlight 'yung sport na minahal ko." - Ina Feleo

Kahit hindi pa alam ang role na gagampanan noong una, ikinuwento ni Kapuso actress Ina Feleo na agad siyang umoo na mapabilang sa cast ng inaabangang figure skating series na Hearts On Ice.

Ayon sa aktres, nang malaman niyang magkakaroon ng series tungkol sa sports na figure skating ay walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ang alok na mapasama rito.

"Actually, noong unang malaman ko pa lang na mayroong show about figure skating, umoo ako kaagad kahit hindi ko pa alam kung ano 'yung role kasi syempre for me, malaking bagay 'to," sabi ni Ina.

"Kasi 'yung sport na figure skating hindi siya gaanong sikat, hindi siya napag-uusapan kagaya ng ibang sports natin, kagaya ng boxing or basketball. Pero kung tutuusin maraming magagaling na figure skaters.

"And, in fact, mayroon tayo si Michael Martinez na twice s'yang nag-Olympics which is wild 'yun kasi siya 'yung first Southeast Asian person to compete dahil wala naman tayong yelo. I was very excited na finally mabibigyan ng spotlight 'yung sport na minahal ko," dagdag niya.

Sa Hearts On Ice, makikilala si Ina bilang Coach Wendy, isa sa pinakamagaling na figure skating coach sa Pilipinas na dati ring figure skater. Dahil sa isang eskandalo, tatalikuran siya at iiwasan ng skating community. Hanggang sa alukin siya ni Yvanna (Rita Avila) na maging coach ng anak niyang si Monique (Roxie Smith), na nagbigay sa kanya ng panibagong pagkakataon na makabalik sa ice rink.

"Hindi ako nahirapan na paghandaan 'yung role kasi ako mismo 20 years ago I was the first national champion in figure skating sa mga babae. It was my first love, actually.

"Pero siyempre 20 years na 'yung nakalipas so medyo mahirap siya in a way, 'yung katawan ko hindi na the same but pinaghandaan ko siya in a way that it was mostly physical. Kasi syempre kailangan maibalik ko lang kahit papaano 'yung comfort being on ice. As far as emotional naman na requirement ng role, kaya naman. Kumbaga doon ako sa skating kinakabahan," pagbabahagi ni Ina.

Ang Hearts On Ice ay pagbibidahan ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: