GMA Logo Michael Martinez and Skye Chua
What's on TV

Figure skating champions Michael Martinez at Skye Chua, may pasilip sa kanilang roles sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 9, 2023 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Martinez and Skye Chua


Abangan ang figure skating champions na sina Michael Martinez at Skye Chua sa 'Hearts On Ice' ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

Bukod kina Kapuso stars Ashley Ortega at Ina Feleo, na kapwa naging competitive figure skaters sa tunay na buhay, mapapanood din ang figure skating champion at ngayo'y Sparkle actress na si Skye Chua sa inaabangang figure skating series na Hearts On Ice.

Kaabang-abang din ang espesyal na partisipasyon ng two-time Olympian na si Michael Martinez, kung saan ito ang unang beses na ipapakita niya sa isang serye ang husay at talento sa figure skating.

Noong March 8, ipinasilip ng Hearts On Ice ang ilan sa ice moves nina Skye at Michael at ang mga karakter na gagampanan nila sa serye.

Makikilala si Skye bilang Sonja, isa sa figure skaters na mahigpit na makakalaban ni Ponggay (Ashley Ortega).

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim, na gaganap bilang sina Ponggay at Enzo.

Iikot ang istorya ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro, si Ponggay, na susubuking abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

Ilan pa sa cast ng serye ay ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice, dito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: