TV

Ashley Ortega, proud sa bagong accomplishments niya sa ice skating

By Kristian Eric Javier

Hindi mapigilan ng Hearts on Ice star na si Ashley Ortega na maging proud para sa recent accomplishments niya sa figure skating.

Sa interview niya kay Cata Tibayan sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, nagkuwento ang figure-skater-turned-actress: May mga spins na nagagawa ko ngayon na hindi ko nagagawa as a kid, may mga jumps din na nala-land ko ngayon na hindi ko nala-land when I was a kid," ani ng dalaga.

Disiplina sa training at mindful diet ang ilan sa mga nakatulong kay Ashley para ma-achieve ito. “If you're so heavy, it's harder for you to jump. I lessened my carbs pero syempre, I don't wanna deprive myself.”

Mapapanood na ang kauna-unahang figure skating series ng bansa na pagbibidahan nina Ashley bilang si Ponggay, at Xian Lim bilang si Enzo.

Sa naunang interview ni Ashley, inamin nito na pangarap niyang i-portray ang role ng isang figure skater at ngayong natupad na ito ramdam naman niya ang pressure. “Now that I'm doing the two things that I love, acting and skating, nandoon din 'yung pressure sa akin kasi syempre ang taas ng expectations ng mga tao.”

Dagdag pa nito, “Sinasabi ko rin kay Direk [Dominic Zapata] na kinakabahan ako, na airing na. Pero he would always tell me na, 'I got your back, you did a good job.' Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako at hindi pa rin nagsi-sink in lahat sa akin. I'm just really overwhelmed."

Samantala, nagkuwento din ang co-star ni Ashley na si Xian tungkol sa kung anu-ano ang mga dapat abangan sa premiere ng bago nilang serye.

Ani ng aktor, “Ang masasabi ko lang dito sa week one is aabangan nila dahil makikilala ninyo kung bakit cold-hearted si Enzo, kung paano nga ba sila nag-meet ni Ponggay, his relationship with his family.”

Dagdag pa nito, “Lahat ng characters dito they're going through something meaty at meron silang maipapakita na kakaiba.”

KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: