TV

'Hearts On Ice' pilot episode, trending na, panalo pa sa ratings!

By Aimee Anoc

Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice, na pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

Nakakuha ang pilot episode nito ng rating na 9.2 percent base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Bukod sa mataas na rating, nag-Top 1 sa Twitter Philippines ang hashtag na "HeartsOnIceWorldPremiere," at nag-trending din ang salitang "Ponggay" at hashtag na "Xian InHeartsOnIce."

Nang mabalitaan ito ni Ashley, matinding kilig at nag-uumapaw ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng sumuporta sa pilot episode ng Hearts On Ice.

"Sa lahat po ng nagpa-trend ng 'Hearts On Ice' kagabi, maraming-maraming salamat po sa inyo. I'm so kilig. The whole cast and production of 'Hearts On Ice' is so kilig also," tuwang-tuwang sabi ni Ashley sa GMANetwork.com.

"Maraming-maraming salamat dahil worth it 'yung pagod and effort na ginawa namin para sa show. Sana po subaybayan niyo po siya hanggang sa huli. Sana mag-trending tayo araw-araw," dagdag niya.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: