GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, mapapanood na ngayong Biyernes sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 17, 2023 11:21 AM PHT
Updated March 17, 2023 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Abangan si Ashley Ortega ngayong Biyernes sa 'Hearts On Ice.'

Ngayong Biyernes, March 17, mapapanood na si Ashley Ortega bilang Ponggay sa Hearts On Ice.

Magsisimula na ang tunay na laban ni Ponggay para sa pangarap na maging isang matagumpay na figure skater. Hindi hadlang para sa kanya ang kapansanan dahil mas mag-aalab para kay Ponggay ang kagustuhang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang kampeon.

Napanood noong Huwebes, ang unang training ni Ponggay (Arhia Faye Agas) sa figure skating at ang unang pagkikita nila ni Enzo (Franchesco Maafi) sa ice rink.

Matapos niyang iligtas si Ponggay sa mga batang figure skater na nambu-bully, magkasamang tinakasan nina Enzo at Ponggay ang mga bodyguard na nagbabantay sa kanya.

Inakala ni Ponggay na may ginawang masama si Enzo kaya ito hinahabol ng mga kalalakihan, pero ang hindi niya alam ay mula ito sa mayamang pamilya at anak ng may-ari ng mall kung saan siya nagsasanay ng figure skating.

Sa pagtakas, nadiskubre ni Ponggay ang passion ni Enzo para sa musika. Nalaman din niya kung paano ang passion na ito ay tinutulan ng ina ni Enzo.

Samantala, ipinaalam na nina Ponggay at Ruben (Lito Pimentel) kay Libay (Amy Austria) ang lihim nilang pagpasok sa isang figure skating class.

Nagkamali si Ponggay nang inasahan niyang maiintindihan ito at susuportahan siya ng ina dahil galit lamang mula rito ang natanggap niya.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: