GMA Logo Ashley Ortega
Photo by: Cyrus Panganiban
What's on TV

Ashley Ortega, paano nadiskubre ang figure skating?

By Aimee Anoc
Published March 27, 2023 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Tulad ng role niya sa bagong serye na 'Hearts On Ice,' naging isa ring competitive figure skater si Ashley Ortega.

Tatlong taon lamang noon si Kapuso actress Ashley Ortega nang pasukin niya ang mundo ng figure skating.

Sa eksklusibong interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng aktres kung paano nga ba niya nadiskubre ang sport na ito.

Photo by: konradongphotography (IG)

Ayon kay Ashley, ideya ng kaniyang mga magulang na mag-aral siya ng figure skating dahil hindi lamang siya ang sports enthusiast noon sa kanilang pamilya. Naglalaro ng hockey ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki, habang nahihilig din sa ice skating ang nakababata niyang kapatid na babae.

"Actually, wala pa ako sa tamang pag-iisip nu'n, it was my parents' idea--my mom and my dad who taught of the idea of me learning the sport. Hindi lang ako even my younger sister and my older brother, doon na kami lumaki. Kuya ko nagha-hockey, sister ko nag-skate din. And, we were part of the Philippine team, we would represent our country and compete abroad," kuwento ng aktres.

Sa edad na lima, nagsimula nang lumaban sa local at international figure skating competitions si Ashley. Lumaban siya sa iba't ibang bansa tulad sa Thailand, Japan, China, at Malaysia.

Isa sa hindi malilimutan na international competition ni Ashley ay nang lumaban siya sa Skate Asia sa Malaysia noong 2008, kung saan nakapag-uwi siya ng walong gold medals. two silver medals, at isang bronze medal.

Photo by: Ashley Ortega

“'Yung medal na suot ko lahat sa neck that was in Malaysia. I was the only Filipino na nakauwi ng eight gold medals, two silver, and one bronze. Memorable 'yung sa Malaysia kasi nalagay 'yun sa magazine.

"The rest is 'yung mga medals ko when I competed in Thailand, Japan, China, and 'yung mga local dito sa Philippines. 'Yung mga medals ko na na-achieve before, nakalagay s'ya sa dalawang malaking fish bowl sa house namin, doon lang lahat."

Pagbabahagi ni Ashley, nasa mahigit 80 medalya ang nakuha niya mula sa pagiging isang competitive figure skater hanggang sa edad na 12.

Photo by: Ashley Ortega

Huling lumaban si Ashley sa Summer Skate competition na ginanap sa SM Mall of Asia noong 2018, kung saan nanalo siya ng tatlong gold medals.

"I retired kasi as a competitive figure skater at the age of 12 kasi I entered showbiz at the age of 13. Tapos 19 years old ako that time at saka lang ako bumalik ulit and then I stop after one year kasi naging busy sa work. I think 'yan 'yung pagbabalik ko ever since I was a competitive figure skater. “

Pero hindi naging madali para kay Ashley ang mga tagumpay na nakamit bilang isang competitive figure skater dahil kasabay nito ay ang kaniyang pag-aaral.

Kuwento niya, "It's really hard to train especially the days noong nagko-compete pa ako. After school diretso kami sa mall, sa skating rink to train hanggang mag-close 'yung rink--that's on weekdays. And on weekends, from morning to evening we would train so nakakapagod siya. Pero bata naman ako that time so nae-enjoy ko rin s'ya kaya siguro naging fashion ko siya kasi I would enjoy that sport."

Sa ngayon, patuloy ang aktres sa pagbibigay ng isang hindi malilimutang ice show sa unang lead role niya sa kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice.

Subaybayan si Ashley Ortega bilang Ponggay sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG FIGURE SKATING JOURNEY NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: