
Ngayong Lunes, April 3, mapapanood na ang two-time Winter Olympian na si Michael Martinez sa Hearts On Ice. Ipapamalas niya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye ang mga pangmalakasang Olympic moves at tricks sa figure skating.
Sa eksklusibong interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Michael ang excitement na mapasama sa isang serye at maipakita ang talento niya sa figure skating.
"Actually, hindi ko po na-imagine na pipiliin ako to perform and to show my tricks, not only that, to work with them, and I'm really happy na napili ako to do it. It is definitely something very new for me," aniya.
Talaga namang kaabang-abang ang pagpapakitang gilas na ito ni Michael sa Hearts On Ice kung saan, aniya, ay ipe-perform niya ang kanyang mahihirap na jumps at tricks sa figure skating.
Bukod dito, magkakaroon din ng pairs performances si Michael kasama ang ilang cast ng Hearts On Ice.
“I'll be doing my hardest jumps and triples, a lot of tricks, and of course mayroon po tayong couples with a lot of artista. So, please stay tuned for that one. Definitely, not my forte to do pairs but I did my best and it looks really really good and I'm excited," pagbabahagi ni Michael.
Samantala, magsisimula na ngayong Lunes ang audition para sa makakapareha ni Michael sa isang ice show. Sino kaya sa mahuhusay na figure skaters ang mapipili at mabibigyan ng pagkakataon na makapag-perform sa ice kasama ang two-time Winter Olympian?
Huwag palampasin ang espesyal na partisipasyon ni Michael Martinez sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: