GMA Logo Michael Martinez
What's on TV

Two-time Olympian Michael Martinez, balak na rin ba mag-showbiz?

By Aimee Anoc
Published March 28, 2023 1:40 PM PHT
Updated March 28, 2023 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Martinez


Huwag palampasin ang kaabang-abang na pagpapakitang-gilas sa figure skating ni Michael Martinez sa 'Hearts On Ice.'

Magkakaroon ng espesyal na partisipasyon ang two-time Winter Olympian na si Michael Martinez sa Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice.

Dito ipapakita ni Michael sa kauna-unahang pagkakataon sa isang serye ang husay at talento sa figure skating.

Photo by: Finlandia Trophy Espoo

Bukod sa pagpe-perform ng mahihirap na figure skating moves at tricks, makakaeksena rin niya ang ilan sa cast ng Hearts On Ice tulad nina Ashley Ortega, Xian Lim, at Roxie Smith.

Sa eksklusibong interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Michael na kailanman ay hindi niya na-imagine na magpe-perform sa isang serye at makakatrabaho ng mga artista.

Kaya ganoon na lamang ang excitement at saya ng figure skating champion sa pagkakataon na mapasama sa Hearts On Ice.

"Hindi ko po na-imagine na pipiliin ako to perform and to show my tricks, not only that, to work with them, and I'm really happy na napili ako to do it. It is definitely something very new to me," kuwento ni Michael.

Sa acting stint at pagpapamalas ng galing sa Hearts On Ice, may balak na rin kaya si Michael na pasukin ang mundo ng showbiz?

Agad na sagot ni Michael, "Actually, this time, yes. Pwede naman po."

Unang sumabak sa taping ng Hearts On Ice si Michael noong March 9 kung saan agad na nagpamalas ito ng iba't ibang figure skating moves.

Abangan si Michael Martinez sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: