TV

Hello From the Other Side: The Connection

By Bianca Geli

Sa nakaraang episode ng Hello From the Other Side. Simula na ng training sa underworld nina Elisse (Rui En) at Jacob (Shaun Chen) bilang parte ng Soul Collection Task Force sa underworld sa ilalim ni Master Hades (Bryan Chan).

Habang nagte-test sila ng mga device, mapapansin ni Elisse na automatic na konektado ang device niya kay Shaun. Duda ng iba, may espesyal na koneksyon ang dalawa kaya ito nangyari.

Tutuksuhin ng ibang mga Soul Collection Task Force aspirants sina Elisse at Shaun na may namamagitan sa kanilang dalawa, at mauuwi ito sa pag-aaway nina Elisse at Shaun.

Patuloy na panoorin ang Hello From the Other Side sa GTV tuwing Sabado, 8:30 PM!