TV

Cast and crew ng 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka,' sumailalim sa HIV orientation

By Michelle Caligan

Isa sa mga dapat abangang teleserye sa 2018 ay ang Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Pagbibidahan ito nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario, Ina Feleo, Gina Alajar at marami pang iba.

LOOK: Mike Tan at Yasmien Kurdi, magsasama sa bagong Kapuso teleserye

Bilang paghahanda sa pagtalakay nito sa sakit na HIV, sumailalim sa isang HIV awareness orientation ang cast at production team.


"Orientation with the Philippine National Aids Council #PNAC. Maraming salamat po," ani Yasmien sa caption.

Ikinuwento din ni Martin ang kanyang paghahanda para sa show sa isang panayam sa kanyang birthday celebration sa Ace Water Spa, Quezon City.

"'Yung buong cast, nag-HIV 101. Seminar siya on HIV. [Kasi kailangan malaman] kung ano nararamdaman physically, emotionally. Kailangan naming aralin. At the same time, para sa staff, para alam nila kung ano'ng mga props ang gagamitin."

Dagdag pa niya, "Nagbabasa-basa ako kung ano ba 'yung effects na mangyayari sa 'yo physically. Mangangayayat ka ba? Ano ba ang pakiramdam kung umabot na siya ng AIDS?"