TV

Yasmien Kurdi, balik sa pagiging ina sa 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

By Marah Ruiz

 

Sa April 23 episode ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nakuha na ni Thea (Yasmien Kurdi) ang kanyang mga anak na sina Maurice (Seth dela Cruz) at Angela (Caprice Cayetano).

Sa tulong ni Lawrence (Martin del Rosario), magsisimula na ng kanilang bagong buhay ang mag-iina. 

Pero tunay nga bang ligtas ang kambal sa piling ni Thea? 

Patuloy na panoorin ang advoca-seryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.