TV

How is Julia Lee as a best friend?

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Kasali sa cast ng upcoming primetime series na Hiram na Alaala ang aktres na si Julia Lee. Gaganap siya bilang best friend ni Andrea (Kris Bernal) na si Gelai, at siya ang magiging saksi sa lahat ng pagdaraanan ng kaibigan.

"Kilala ko siya, bata pa lang kami. So pagdating namin sa Manila, kung magka-problema siya, ako 'yung nagpapagaan ng mga bagay-bagay para sa kanya," paglalarawan niya sa kanyang role.

Kay Gelai maikukuwento ni Andrea ang lahat ng hirap na mararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang minamahal na si Joseph (Rocco Nacino), pati na rin ang pagkalito niya sa pagbabalik ni Joseph sa katauhan ni Ivan (Dennis Trillo).

Sa totoong buhay, ganito rin kaya si Julia sa kanyang best friend?

"I'm very open to her. Pero ang paniniwala ko, there are some things na better na ako na lang ang nakakaalam. Minsan kapag problemado ka talaga, ayaw mo namang pati siya mahatak ko pababa kasi ang bigat ng dinadala ko. At the same time, kahit 'yung gist of what's happening to me, alam niya."

Mas gusto daw niyang masasayang bagay lang ang naibabahagi niya sa kanyang mga kaibigan. "Kapag masaya ako, of course, all the more na magse-share ako. Sa akin lang talaga, ang hindi ko lang mai-share sa kanya is kapag mayroon talaga akong mabigat na dinadala. Kasi ayokong pati siya, makita kong malungkot. Hindi ko kaya."

Abangan si Julia Lee bilang Gelai sa Hiram na Alaala, simula ngayong Lunes, September 22, sa GMA Telebabad.