TV

Shyr Valdez: 'Kinikilig talaga ako doon sa dalawa'

By MICHELLE CALIGAN


 
Hindi lamang televiewers ang nakakapansin ng chemistry nina Dennis Trillo at Kris Bernal sa Hiram na Alaala kundi pati ang kanilang mga kasama sa naturang teleserye.

Isa na rito si Shyr Valdez, na gumaganap bilang Araceli, ang tiyahin nina Joseph (Rocco Nacino) at Chris (Kenneth Paul Cruz).

"Believe it or not, kasama kami ng show, pero totoo 'yun, what I tweeted last night. Kinikilig talaga ako doon sa dalawa. Iba 'yung chemistry eh. Maganda 'yung blending nila, tapos ang ganda pa ng story. Ang ganda ng shots, ang galing ni Direk Dom, we all know that," kuwento niya nang aming bisitahin ang kanilang taping kamakailan.

Aniya, isang "very intelligent soap opera" ang Hiram na Alaala.

"Sana tangkilikin talaga because we have a very intelligent soap opera. That's how I can put it. We have a very intelligent show, so we are really hoping na makita ng viewers how intricate a life can be. That's what Hiram na Alaala offers."

Todo-puri din siya sa four main characters ng show na sina Dennis, Kris, Rocco at Lauren.

"Makikita mo talagang it's full of heart, it's full of passion, it's full of reality. It's a very emotional soap opera na kung ikaw ay totoong individual and you are in that situation, you'll probably do the same thing. When you're desperate, longing or missing someone, lahat ng emotion nandidito. At saka totoo siyang emotion."

Unlike other TV series na may established kontrabida, may pinanggagalingan daw ang pagiging masama ng characters dito.

"[Wala] 'yung tipong gusto mo lang maging masama sa isang tao like what other soap operas offer na kailangan mo lang maging masama dahil kontrabida ka. Hindi ka puwedeng magalit nang husto kay Araceli kasi naiintindihan mo kung bakit siya ganyan, pero hindi mo rin masasabing totally mabait siya kasi kaya niyang maging ganito. Lahat mayroong pinanggagalingan ang characters. Kung mayroon mang biglang magagalit or maiinis, which in real life is totoo naman. May dahilan ang bawat character on why they are in those situations."