TV

Ang pagtatagpo ng mga babae ni Benjo | Episode 3

By Felix Ilaya

Sosorpresahin sana ni Dessa (Lauren Young) si Benjo (Paolo Contis) sa kaniyang pagdating mula sa ibang bansa. Ngunit ang madadatnan nito sa kanilang bahay ay ang kinakasama ni Benjo na si Wena (Empress Schuck).

Magsasalpukan ang dalawa at pilit namang papagitna si Benjo sa sabunutan nila. Papayag kaya si Wena sa kasunduan nina Benjo at Dessa na magsamasama sa iisang bubong?

Panoorin ang ikatlong episode ng Hiram Na Anak.