TV

Kapuso actress, habulin daw ng basketball players?

By Maine Aquino

Isang Kapuso star ang napaamin na habulin daw siya ng basketball players. Nang mapasalang ang Kapuso star na ito sa Trip to the Hot Seat ng Sarap, 'Di Ba? noong October 14, ibinahagi niya ang kuwento tungkol sa mga panliligaw na na-experience sa basketball players.

"Now, wala pong nanliligaw sa akin. Pero before basketball player. Madalas basketball player," pag-amin ng primetime TV actress.

Tanong ng host na si Carmina Villarroel ay kung may manliligaw ba siya mula sa NCAA o National Collegiate Athletics Association.

Sagot naman ng Kapuso star, "Walang kahit na ano."

Dugtong pa niya, "'Yung NCAA, nakita ko siya doon at ipinakilala lang din sa akin. Wala, walang something."

Sunod na tanong ni Carmina, "PBA?"

At sagot naman ng Kapuso star, "Sino po ba doon?"

Alamin ang nakakatuwang mga pag-amin ng Kapuso star tungkol sa kaniyang mga manliligaw dito: