TV

Hula Who: 'Best Actor,' may niligawang 'Bubble Gang' comedienne?

By Jimboy Napoles

Hindi nakaligtas ang “Best Actor” na ito sa pang-iintriga ng isang batikang TV host tungkol sa nakaraan niya sa isang dalagang actress-comedienne, na napapanood ngayon sa long-running gag show na Bubble Gang.

Sa isang daily talkshow natanong ng batikang TV host ang “Best Actor” kung totoo bang niligawan niya ang naturang actress-comedienne.

Sagot naman ng huli, “Hindi po siya talagang niligawan. I think, parang I just tried pero hindi siya nag-work.”

Patuloy na pag-usisa ng host, “Okay, so parang nagkaroon kayo ng 'moment' ika nga. Are you friends with her?”

Sagot naman ng aktor, “Yes. Friends pa rin kami."

Pero paglilinaw niya, “Hindi kami nagkaroon ng official na exclusively dating.”

“That's clear,” sabi naman ng TV host.

Hindi naman nailang ang “Best Actor” nang mapag-usapan ang naging past nila ng dalagang aktres dahil nagpasintabi raw ang batikang TV host sa longtime girlfriend ng actor bago ito magtanong.

Clueless ka ba kung sino ang tinutukoy sa Hula Who na ito? Kilalanin sa video na ito: