
Sa halip na magkaroon ng comeback project si astig na aktor, nawala pa ito.
Ito ang latest chika sa segment na "Salon De Chika" ng TiktoClock.
Ayon sa blind item ng "Salon De Chika," "Matagal na 'tong walang ganap. Until recently, bumukas ang pinto at may bagong project. Pero, ano ang nangyari? Ang project naging eject. As in na-eject daw si astig na aktor sa project."
Kuwento pa sa "Salon De Chika," agad na hinanapan si astig na aktor ng kapalit dahil sa pagiging unprofessional nito sa set.
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang S."
Saad pa sa Salon De Chika, "Sayang na sayang dahil sinayang niya ang chance na makabalik." Alamin ang mga clue at hulaan kung sino siya rito:
Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.