
Isang pretty actress ang naging sanhi raw ng stress sa sarili nitong event.
Ito ang latest chika na pinagusapan sa segment na "Salon De Chika" ng TiktoClock.
Ayon sa kanilang blind item, "Ready na ang lahat except for her."
Base pa sa kuwento sa "Salon De Chika," dumating si pretty actress noong nakaalis na ang ibang mga press.
"Nangangalahati na ang event noong dumating si pretty actress."
Kaya ang payo ng "Salon De Chika,""'Pag ito ay event mo na artista ka, dapat professional ka, e."
Isa sa mga ibinigay na clue ng "Salon De Chika" ay mayroon itong letrang U sa kaniyang pangalan.
Alamin ang iba pang mga clue at hulaan kung sino si pretty actress dito:
Samantala, patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.