
Isa na namang aktor ang napag-usapan sa blind item ng "Salon De Chika" ng TiktoClock.
Ayon sa "Salon De Chika" episode ngayong May 23, isang aktor ang dahilan daw ng pagkainis ng isang direktor sa taping.
Saad pa sa kanilang clue, "naimbyerna ang direktor habang shinu-shoot ang isang eksena."
Dagdag pang chika sa episode na ito, "Hindi raw natapos ang madramang eksena dahil ayaw magpasampal ng aktor."
Para naman sa rason ng aktor, ito raw ay "fresh pa at baka masira."
Para sa clue ng "Salon De Chika" sa TiktoClock, si aktor ay may letrang K sa kaniyang pangalan.
Hulaan kung sino ito dito:
Abangan ang iba pang chika sa "Salon De Chika" ng TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.