
Isa namang hunk actor ang naging usapan sa "Salon De Chika" ng TiktoClock.
Ayon sa latest chika sa "Salon De Chika", hindi raw kinaya ni hunk actor ang kaniyang experience noong siya ay isinugod sa ospital.
Base sa kuwento, dinala sa emergency si hunk actor dahil sa kaniyang allergy. Ngunit ikinagulat raw ni aktor na may mga nagpa-picture sa kaniya sa gitna ng kaniyang karamdaman.
Dugtong pa sa "Salon De Chika", mabuti na lang daw ay safe si aktor nang siya ay dinala sa ospital.
Si hunk actor ay mayroon daw letrang D sa kaniyang pangalan. Hulaan kung sino ito sa "Salon De Chika" ng TiktoClock:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.