
Masasabing isa sa mga patok na libangan ngayon ang online gambling, na patuloy ding nagiging malaking negosyo sa digital world.
Dahil sa lawak ng impluwensya ng industriyang ito, marami na ring celebrities at influencers ang tumatanggap ng trabaho bilang modelo o ambassador ng mga nasabing platform.
Ngunit sa isang latest vlog, dalawang content creators ang nagbahagi ng kanilang mga opinyon tungkol sa pagtanggap ng online gambling endorsements.
Sa kanilang bonding session, napag-usapan ng kilalang influencers ang kanilang “deal breakers” pagdating sa brand collaborations.
Ayon sa isa, kabilang sa mga hindi niya tinatanggap ay ang mga alok mula sa online gambling companies.
"Hindi naman sa pagiging picky, but like I accept projects that align with my values, principles, and the content that I make," aniya.
"So kunwari, magkaroon ng offer sa akin like, for example, recently, mga online gambling. I feel like may responsibility ka pagdating doon sa mga taong nakakapanood ng content mo. What if case to case basis. 'Yung taong nakapanood ng content mo naikayat mag-online gambling. 'Tapos nalulong, naubusan ng pera. As a content creator may responsibility ka."
Samantala, inamin naman ng isang influencer na personal din siyang umiiwas sa anumang koneksyon sa pagsusugal dahil sa mapait na karanasang pinagdaanan ng kanilang pamilya.
"We were once a victim of gambling, a family. So like it's something traumatic. I cannot [and] don't want to go casinos, 'Di ako nakikipag-tongits sa friends ko kahit [piso-piso] lang. Like, ilayo n'yo ko sa baraha. I don't like gambling."
Dagdag pa niya, naniniwala siya na may kaakibat na karma ang paghikayat sa ibang tao na pumasok sa ganitong uri ng laro.
"For me, it's a different kind of karma 'pag hinikayat mo isang tao to do gambling. First of all, false hope. 'Yung bente mo magiging isang milyon. Suntok sa buwan. Kung mabibigyan ka nu'n, it's really like you didn't work for it. If you lose everything because of someone, karma. I believe in karma so much."
Gayunman, nilinaw ng dalawang influencers na ang kanilang mga pahayag ay batay lamang sa kanilang personal na paniniwala. Minsan ay nagbibigay sila ng opinyon o payo sa kanilang mga kaibigan na sumusuporta sa online gambling, ngunit nirerespeto pa rin nila ang desisyon ng mga ito.
Nahulaan mo na ba kung sino sila? Alamin dito sa video na ito: