
Isang aktor na may party ang bigla na lang daw in-exit-an ng mga bisita.
Ayon sa latest and hottest na chismis mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "May kilala akong isang bortang aktor. Ang chismis, tinakbuhan daw ito ng mga bisita niya sa sarili nitong party."
Kadugtong na detalye ng kuwentong ito, "Kasi nga nagpaalog daw ng bongga si bortang aktor para sa kanyang birthday party."
Ipinakita naman sa skit ng "Salon De Chika" na sa sobrang saya ng party ni aktor, nagduduwal na si aktor sa kalasingan. Kaya naman piniling um-exit ng mga bisita sa party na ito.
"Um-exit frame na 'yung ilang mga bisita sa dance floor bago pa sila masukahan ni bortang aktor."
Para sa clue sa latest chika na ito, "Sa pangalan niya may letrang E, as in Eew. 'Yun daw ang reaksyon ng mga bisita na nasukahan niya."
Hulaan si aktor dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.