advertisement
TV

IN PHOTOS: Meet the powerhouse cast of 'I Can See You: The Lookout'

1 of 11

Barbie Forteza

Ang versatile Kapuso actress na si Barbie Forteza ang gaganap bilang si Emma. Nakatira siya sa squatter area katabi ng village ng mga Penuliar. Wala siyang pinipiling trabaho para may maipangtustos sa pangangailangan nila ng kapatid niya.

2 of 11

Paul Salas

Si Kapuso hunk Paul Salas naman ang papapel sa karakter ni Marius Penuliar, anak ng mag-asawang Dr. Robert Penuliar at Tessa Penuliar. Mababa ang tingin niya sa mga mahihirap. Napilay si Marius dahil sa sinapit niyang aksidente.

3 of 11

Mr. Christopher de Leon

Ang beteranong at tinitingalang aktor naman si Christopher de Leon ang gaganap sa role ni Dr. Robert Penuliar, ang prominenteng doktor sa isang kilalang ospital.

advertisement
4 of 11

Adrian Alandy

Kasama rin sa cast ang aktor na si Adrian Alandy bilang si Jason “Lakay” Bautista. Isa siyang ex-military soldier na ngayon ay isang gun-for-hire na. May post-traumatic stress disorder (PTSD) din ito.

5 of 11

Arthur Solinap

Isa ring doktor si Randy Penuliar at nakababatang kapatid ni Dr. Robert Penuliar. Aksidente niyang mapapatay ang isang pasyente dahil sa malpractice ngunit palalabasin niyang natural cause ang ikinamatay nito. Gagampanan ni Arthur Solinap ang naturang role.

6 of 11

Marina Benipayo

Ang aktres na si Marina Benipayo si Tessa Penuliar, ang asawa ni Dr. Robert. Matapobre ito at laging may reklamo sa mga taong nakatira sa squatter area katabi ng kanilang village.

advertisement
7 of 11

Elijah Alejo

Ang Kapuso young star naman na si Elijah Alejo ang gaganap na bunsong anak ng mga Penuliar, si Christine Penuliar. Malambing at malapit ito sa kuya niyang si Marius.

8 of 11

Luis Hontiveros

Si Kapuso heatthrob na si Luis Hontiveros si Dalo, ang kababata ni Emma na may lihim na pagtingin sa dalaga. Siya rin ang kasama ni Emma sa iba't ibang raket.

9 of 11

Ella Cristofani

Si 'StarStruck' alum Ella Cristofani ang gaganap sa karakter ni Joanne Castro, kapatid ni Emma na may malubhang sakit.

advertisement
10 of 11

Janna Trias

Pasok din sa cast ng mini-series si Jana Trias bilang Yaya Minda, ang kasambay ng mga Penuliar. Siya rin ang nagbibigay ng tip kina Dalo at Emma sa tuwing may raket sa village.

11 of 11

Benjie Paras

May special participation din sa “The Lookout” si Benjie Paras bilang ang kapitan ng village at komunidad ng mga squatter.