TV

Gio, to the rescue kay Lea!

By Dianara Alegre

Naging awkward man ang first meet up ng wedding videographer na si Iñigo Mapa at ng frontliner nurse na si Lea Carbonel dahil napagkamalan ng huli si Iñigo na isang manyak ay bumawi naman kaagad siya rito.

Dahil isang frontliner na nagtatrabaho sa ospital, hindi maiwasan na may maranasan si Lea na discrimination mula sa mga tao.

Isa na nga rito ay ang sitwasyon na pilit siyang pinapaalis ng kapitbahay sa unit na tinitirahan sa pangambang magdala si Lea ng COVID-19 sa lugar. Siyempre pa, hindi ito pinalagpas ni Iñigo at ipinagtanggol si Lea.

Ani Iñigo, hindi dapat i-discriminate ang mga frontliners dahil sila ang tumutulong sa publiko, lalo na sa mga pasyente, na gumaling mula sa iba't ibang sakit, lalo na ang COVID-19.

Pogi points para sa kay Lea ang pag-rescue ni Iñigo, na dahilan din para magkapalagayan sila ng loob.

Samantala, kung bitin pa kayo sa kilig na napanood sa I Can See You: Love On The Balcony nitong September 29, narito pa ang ilang tagpo sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!