TV

Kiss from a seductive fake wife

By Dianara Alegre

Sa patuloy na pagpapanggap ni Ivy bilang ang yumaong si Clarisse, ay palakas din nang palakas ang pag-asa ni Frank na muli niyang makakapiling ang asawa.

Naging mahalagang bahagi ng kanilang relasyon ang pagdiriwang ng kanilang anniversary, na ginamit ni Ivy upang lalong papaniwalain si Frank na sumasapi nga sa kanya si Clarisse.

Dinner date ang inihandang selebrasyon ni Frank para kay Clarisse. Naging maganda at maayos ang kanilang dinner na sinelyuhan pa ng isang halik.

Pero sa naturang halik, naramdaman kaya ni Franak na hindi si Clarisse ang dumampi sa kanyang mga labi?

Samantala, kung bitin pa kayo sa mga tagpong napanood sa I Can See You: The Promise nitong Huwebes, October 8, narito pa ang ilang eksena sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!