TV

Handa nang magmahal muli si Frank

By Dianara Alegre

Sa kabila ng mga panloloko at pagpapanggap nagawa pa ring patawarin ni Frank si Ivy na una nang nagpakita ng pagsisisi at panghihinayang sa mga nagawa niyang mali.

Hindi kaagad napatawad ni Frank si Ivy sa ginawa nito ngunit kalaunan ay natutunan din niyang tanggapin ang mga nangyari.

Kahit sa kaunting panahon na nagkasama sila ay nakaramdaman ng kakaibang saya sina Frank at Ivy. Sa gitna ng gulo at papapanggap ay nahanap naman nila ang totoo nilang nararamadaman.

Tuluyan na ngang naka-move on si Frank kay Clarisse at handa nang muling umibig sa katauhan ni Ivy.

Samantala, kung bitin pa kayo sa mga tagpong napanood sa I Can See You: The Promise nitong Biyernes, October 9, narito pa ang ilang eksena sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!