TV

Intense confrontation scene sa 'High-Rise Lovers,' trending sa Twitter!

By Dianara Alegre

Hinangaan ng netizens ang intense confrontation scenes nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez sa kanilang pagganap bilang sina Samantha, Luis, at Ysabel sa ika-apat na episode ng I Can See You: High-Rise Lovers.

Sa naturang episode ay nahuli na ni Samantha ang lihim na relasyon ng mister niyang si Luis at ng kapitbahay nilang si Ysabel.

Dahil sa tindi ng mga eksena at husay sa pag-arte ng cast ay napabilib at napa-tweet nila ang netizens hanggang sa maging top trending topic ito sa Twitter Philippines.

Samantala, ipalalabas na ngayong gabi, October 16, ang finale episode ng serye.

Magawa pa kayang mapatawad ni Samantha si Luis matapos ang panloloko nito sa kanya?

Tunghayan ang pagtatapos ng I Can See You: High-Rise Lovers ngayong gabi, October 16, sa GMA Telebabad.