GMA Logo i can see you season 2 premiere
What's on TV

Fans express excitement over 'I Can See You' Season 2 premiere

By Dianara Alegre
Published March 16, 2021 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

i can see you season 2 premiere


Sina Kapuso actors Shaira Diaz at Ruru Madrid ang bibida sa unang installment ng drama mini-series na 'I Can See You.'

Sabik na sabik na ang fans ng tambalan nina Kapuso actors Shaira Diaz at Ruru Madrid sa upcoming mini-series na “On My Way to You.”

Ang On My Way to You” ang unang installment ng second season ng drama mini-series na I Can See You, kung saan tampok ang istorya ng runaway bride na naging viral online matapos kumalat ang video ng kanyang pag-urong sa araw ng kanyang kasal.

Gagampanan ni Shaira ang role ng runaway bride na si Raki Buena; habang si Ruru naman ang gaganap sa karakter ni Jerrick Alfonso. Makikilala ni Rakki si Jerrick nang magtungo siya sa liblib na lugar kung saan simple lamang ang buhay at walang nakakikilala sa kanya.

Sa social media ipinahahayag ng netizens ang kanilang excitement sa nalalapit na world premiere ng I Can See You.

Bukod sa tambalang Ruru at Shaira, mayroon na ring nasasabik sa team up nina Shaira at Gil Cuerva, na gaganap sa role ng fiancé ni Raki na tinakasan niya sa altar.

Netizens on I Can See You Season 2s premiere

Source: GMA Drama Facebook page

Samantala, panay na rin ang post ng cast, kabilang si Shair Diaz, ng mga nakakikilig na behind-the-scene photos na lalo namang nagpa-excite sa kanilang fans.

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

Ngayon pa lamang ay marami na ang nakapapansin sa magandang chemistry nina Ruru at Shaira.

Netizens Shaira Diaz and Ruru Madrids team up

Source: shairadiaz_ (Instagram)

Bukod kina Shaira at Ruru, kasama rin sa cast ng serye sina Arra San Agustin at Gil Cuerva. May special participation din dito ang bagong Kapuso star na si Richard Yap at ang aktres na si Malou de Guzman.

Mula sa direksyon ni award-winning director Mark Reyes, mapanonood na ang “On My Way to You” simula March 22 sa GMA.

Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa gallery na ito: