TV

'On My Way to You' star Shaira Diaz on Ruru Madrid: 'Very sweet, maalaga sa partner niya'

By Dianara Alegre

Bukod sa magandang storyline, isa sa mga dahilan kung bakit kaabang-abang ang ikalawang season ng groundbreaking drama anthology na I Can See You ay ang mga aktor na bibida rito.

Mula sa apat na mini-series na handog ng I Can See You, tampok ang unang installment ang “On My Way to You” na pagbibidahan nina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Tungkol ito sa viral runaway bride na umatras sa mismong araw ng kanyang kasal.

Gagampanan ni Shaira ang role ng viral runaway bride na si Raki Buena. Para makaiwas sa lahat sa mga pambabatikos sa kanya online, nagtungo si Raki sa isang remote area at doon niya makikilala si Jerrick Alfonso, ang lalaking tinakbuhan naman sa kasal ng kanyag fiancée.

Sa ipinalabas pa lamang na teasers at trailer ng show, kita na agad ng viewers ang on-screen chemistry nina Shaira at Ruru.

“Si Shaira, she's very professional kahit na siyempre nakakapagod po 'yung taping namin. Nasa Antipolo po kami at walang signal po dun. Talagang makikita mo sa kanya na talagang…lagi niyang sinasabi na ang motto niya talaga sa life e, 'fighting,'” ani Ruru nang makapanayam ng 24 Oras.

Ayon naman sa aktres, “very sweet” sa kanya si Ruru bilang love team partner.

“Ruru is very professional, very sweet, maalaga sa partner niya. Parang laging itsi-check kung kumain na ba, kung kaya pa ba kasi medyo 'yung lock-in taping talagang medyo mahirap, e,” ani Shaira.

Source: shaira_diaz

Samantala, ipinahayag ni Mark Reyes, direktor ng “On My Way to You," sa ginanap na virtual media conference kamakailan na kinakitaan niya sina Shaira at Ruru ng kakaibang chemistry, lalo na nang kunan niya ang kissing scene nila.

“For my experience, usually if you put two people in a love team situation or you pair them as romantic leads, it takes time to see if it works.

Kay Shaira and kay Ruru, it was a natural fit. Like what you see in the AVP, kissing scene is the most difficult thing to do, especially if you just met someone for a few days,” aniya.

Dagdag ng award-winning director, “Their scene, they can quote me on this, and I told them that this is one of the best kissing scenes I've directed and I was able to shoot in my entire career.

“Right after the scene, sinabi ko na kaagad sa kanila 'yon. It was so natural. It was so romantic. For them to have that, it's a gift.”

Bukod kina Shaira at Ruru, kasama rin sa cast ng serye sina Arra San Agustin at Gil Cuerva habang may special participation naman dito ang bagong Kapuso star na si Richard Yap at ang aktres na si Malou de Guzman.

Mula sa direksyon ni award-winning director Mark Reyes, mapanonood na ang “On My Way to You” simula March 22 sa GMA.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa gallery na ito: