TV

ABANGAN: 'I Can See You' Season 2, ngayong gabi na!

By Dianara Alegre

Magsisimula na ang all-new season ng groundbreaking drama mini-series na I Can See You ngayong gabi, March 22.

Ang I Can See You ay binubuo ng apat na mini-series at tampok sa unang installment nito sina Kapuso star Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Source: shairadiaz_ (Instagram), rurumadrid8 (Instagram)

Bibida sila sa “On Way to You” na tungkol sa viral runaway bride na umatras sa mismong araw ng kanyang kasal.

Gagampanan ni Shaira ang role ni Raki Buena, ang viral runaway bride. Para makaiwas sa lahat sa mga pambabatikos sa kanya online, nagtungo si Raki sa isang malayong lugar. Doon niya makikilala si Jerrick Alfonso, ang lalaking tinakbuhan naman sa kasal ng kanyag fiancée.

Narito ang full trailer ng “On Way to You”:


Bukod kina Shaira at Ruru, kasama rin sa cast ng serye sina Arra San Agustin at Gil Cuerva habang may special participation naman dito ang aktres na si Malou de Guzman at ang bagong Kapuso star na si Richard Yap.

Huwag palampasin ang pilot episode ng “On My Way to You” ngayong gabi, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Yaya sa GMA.

Silipin ang behind-the-scenes photos sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa gallery na ito:

Related content:

Sylvia Sanchez and EA Guzman laud Shaira Diaz for 'I Can See You Season 2' stint

Fans express excitement over 'I Can See You' Season 2 premiere