TV

Ruru Madrid, umaming kinilig sa 'kawa scene' nila ni Shaira Diaz sa 'On My Way to You'

Nagsimula nang ipalabas ang eight-day episode ng mini-series na “On My to You” nitong Lunes, March 22.

Ito ang una sa apat na mini-series na bahagi ng ikalawang yugto ng hit drama anthology na I Can See You.

Ang “On My Way to You” na pinagbibidahan nina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid ay tungkol sa pagkakakilala ng viral runaway bride at ng lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Ilang araw bago ang world premiere ng serye ay hindi na magkandamayaw ang fans sa paghihintay sa tambalang Shaira at Ruru. Hindi rin lamang fans ang nakapansin sa mahusay na cinematography at execution ng istorya ng "On My Way to You."

“'Yung execution ng story itself, ang ganda. So, hindi siya 'yung tipong kahit madaming sangay 'yung story hindi ka mawawala,” kuwento ni Shaira sa virtual media conference na ginanap kamakailan.

Samantala, isa sa mga highlight ng serye ay ang kawa scene nina Shaira at Ruru, kung saan mayroon silang intimate at romantic kissing scene.

At inamin ng aktor na kahit siya ay kinilig nang mapanood ito sa trailer ng show.

“I am very excited na mapanood nila 'to and ako to be honest, this is the first time na napanood ko 'yung trailer and kinilig din ako dun sa kawa scene,” aniya.

Ang naturang kawa scene rin ang itinuturing ni Mark Reyes, direktor ng “On My Way to You,” na “one of the best” kissing scenes na idinirihe niya sa kanyang career.

Saad ni direk Mark, “From my experience, usually if you put two people in a love team situation or you pair them as romantic leads, it takes time to see if it works.

“Kay Shaira and kay Ruru, it was a natural fit. Like what you see in the AVP, kissing scene is the most difficult thing to do, especially if you just met someone for a few days.”

“Their scene, they can quote me on this, and I told them that this is one of the best kissing scenes I've directed and I was able to shoot in my entire career.

“Right after the scene, sinabi ko na kaagad sa kanila 'yon. It was so natural. It was so romantic. For them to have that, it's a gift,” aniya.

Dagdag ni Direk Mark, “Those are rare cases. Automatic na it's there, e.”

Dahil sa matinding chemistry on-screen, inihalintulad niya ang ShaiRu sa ilan sa mga pinaka-popular na love teams sa Philippine entertainment gaya nina Bobby Andrews at Angelu de Leon, Richard Gutierrez at Angel Locsin, at Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mapapanood din sa "On My Way to You" sina Ashley Rivera, Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, at Richard Yap.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.

Para sa mga manonood abroad, maari ring mapanood ang I Can See You via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bumisita sa www.gmapinoytv.com.

Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng “On My Way to You” sa gallery na ito:

Related content:

Sylvia Sanchez and EA Guzman laud Shaira Diaz for 'I Can See You Season 2' stint