
Kinilig ang mga fans nila Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix sa ilang kumalat na behind-the-scenes photos nila na kuha sa shooting ng upcoming episode ng hit mini-series na I Can See You.
Pagbibidahan ng dalawa ang episode na pinamagatang #Future na mapapanood pagkatapos ng Holy Week.
Nakaagaw sa atensyon ng KyGuel fans ang larawan ni Miguel na nakahiga sa lapag habang nakayakap naman sa kanya si Kyline.
Tinawag ng mga fans ang picture na “burger” sa dahilang nakasuot si Miguel ng burger costume nung moment na 'yon.
Photo by: GMA Network
Napagkatuwaan na rin ng mga fans na gumawa ng Twitter account na pinangalanan nilang “Burger” na kung saan ay nagpu-post sila ng mga updates tungkol sa dalawang Kapuso stars.
Kahapon, March 25, ay nag-guest si Kyline sa Kapuso ArtisTambayan na napanood sa Facebook page ng GMA Network.
Tinanong ni host Betong Sumaya si Kyline kung ano nga ba ang kuwento sa likod ng nakakakilig na picture nila ni Miguel.
“'Yong eksena na 'yan mapapanood n'yo 'yan sa medyo dulo-dulo part so dapat n'yo talagang tutukan 'yang eksena na 'yan,” nangingiting sagot ni Kyline.
Dagdag pa ng magandang aktres, “Lahat nung nasa set nung time na 'yon sobrang kinilig sa nangyari sa eksena na yon.”
Hindi naman nagpakipot si Kyline nang tanungin tungkol sa #Future at kung bakit niya ito tinanggap.
Appealing raw kay Kyline ang mystery na may halong sci-fi at futuristic na kuwento ng serye.
Ikinumpara ni Kyline ang atake ng #Future sa isang sikat na series na napapanood sa Netflix.
“When I first read the script, I kind of compared it to Black Mirror kasi unusual 'yong story na sobrang nakaka-wow,” sabi ni Kyline.
May mga elemento rin sa istorya, ayon kay Kyline, na medyo mabigat ngunit napapanahon kagaya ng depression at anxiety.
Pero siyempre, siksik sa kilig ang inaabangang episode na siguradong ikatutuwa ng mga fans nila Kyline at Miguel.
Mapapanood na ang I Can See You: #Future sa April 5, 8:50 p.m., sa GMA-7.
Viewers abroad can also watch the series via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. For the program guide, visit www.gmapinoytv.com.