TV

LOOK: A sneering Kyline Alcantara is perhaps the cutest CCTV camera taunt ever

By Bong Godinez

Habang painit ng painit ang mga eksena sa I Can See You: #Future ay isang eksena ang pumukaw at kinagiliwan ng mga fans ni Kapuso star Kyline Alcantara.

Sa second episode ng #Future na ipinalabas kagabi, April 6, ay makikita ang eksena na kung saan ay direktang nakatingin ang karakter ni Kyline na si Lara Dacer sa isang CCTV camera.

Matapos ang ilang segundo ay bigla na lang itong nagpakawala ng ekpresyon na tila ay hinahamak at hinahamon ang CCTV camera.

“Sa tingin mo may nanunood niyan?” tanong ni Lara sa kaibigan na si Analyn na ginagampanan ni StarStruck alumna, Dani Porter.

“Malay. Pero 'yong mga iba yata d'yan props lang, eh,” sagot ni Analyn.

“Sa tingin mo may nakakakita sa lahat ng ginagawa natin?” buweltang tanong ni Lara.

Mahalaga ang nasabing eksena dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ni Vinchie (Miguel Tanfelix) - na nasa CCTV control room ng mga sandaling iyon - ng malinaw ang mukha ni Lara.

Samantala, kinagiliwan naman ng mga fans ang facial expression ni Kyline na nanunuya sa camera at sa nanunood nito.

Maging si Kyline ay tila naaliw sa eksena at nag-tweet ng, “Hehehe that's my face right there hehehe.”

Dumagsa naman ang comments ng fans ni Kyline at sinabing cute pa rin daw ang aktres kahit na mukha itong galit at palaban.

May isa namang fan ang nagbiro na gagayahin niya rin ang ginawa ni Lara kapag nakakita siya ng CCTV camera.

Pinuri rin ng marami ang husay ni Kyline sa pag-arte partikular sa mga eksena na kung saan ay nagpapakita si Lara ng senyales ng pagiging balisa at depressed.

Huwag palampasin ng third episode ng #Future mamayang gabi, 8:50 p.m., sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia.

Silipin ang ilang kaganapan behind-the-scenes ng I Can See You: #Future sa gallery na ito: